Ang Diyos ba ang Dapat Sisihin sa Ating Pagdurusa?
Ang sagot ng Bibliya
Hindi. Malinaw na ipinakikita ng Bibliya na hindi layunin ng Diyos na Jehova na magdusa ang tao. Gayunman, nagrebelde ang unang mag-asawa laban sa pamamahala ng Diyos. Pinili nilang gumawa ng sariling pamantayan ng mabuti at masama. Sinuway nila ang Diyos kaya inani nila ang masasamang resulta nito.
Nagdurusa rin tayo ngayon dahil sa kanilang ginawa. Pero hindi ang Diyos ang sanhi ng pagdurusa ng tao.
Sinasabi ng Bibliya: “Kapag nasa ilalim ng pagsubok, huwag sabihin ng sinuman: ‘Ako ay sinusubok ng Diyos.’ Sapagkat sa masasamang bagay ay hindi masusubok ang Diyos ni sinusubok man niya ang sinuman.” (Santiago 1:13) Kahit sino ay puwedeng magdusa—maging ang mga may pagsang-ayon ng Diyos.