Ano ang Layunin ng Buhay?
Ang sagot ng Bibliya
Ang mga nag-iisip tungkol sa kahulugan ng buhay ay nagtatanong, Bakit tayo naririto? o May layunin ba ang buhay ko? Ipinakikita ng Bibliya na ang layunin natin sa buhay ay ang maging kaibigan ng Diyos. Pag-isipan ang ilan sa mahahalagang katotohanang ito na isinisiwalat ng Bibliya.
Ang Diyos ang ating Maylalang. Sinasabi ng Bibliya: “[Ang Diyos] ang gumawa sa atin, at hindi tayo sa ganang sarili.”—Awit 100:3; Apocalipsis 4:11.
May layunin ang Diyos sa lahat ng nilalang niya, kasama na tayo.—Isaias 45:18.
Nilalang tayo ng Diyos na may “espirituwal na pangangailangan,” at kasama rito ang pagnanais na malaman ang layunin ng buhay. (Mateo 5:3) Gusto niyang masapatan natin ang pangangailangang iyan.—Awit 145:16.
Sinasapatan natin ang ating espirituwal na pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa Diyos. Bagaman iniisip ng ilan na imposibleng maging kaibigan ang Diyos, hinihimok tayo ng Bibliya: “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—Santiago 4:8; 2:23.
Para maging kaibigan tayo ng Diyos, kailangan nating mamuhay kaayon ng layunin niya para sa atin. Sinasabi ng Bibliya ang layuning ito sa Eclesiastes 12:13: “Magkaroon ng matinding paggalang sa Diyos, at sundin ang kaniyang mga utos, sapagkat ito mismo ang dahilan kung bakit tayo nilalang.”—Good News Translation.
Sa hinaharap, lubusang matutupad ang orihinal na layunin ng Diyos para sa atin kapag inalis na niya ang pagdurusa at binigyan ng buhay na walang hanggan ang mga kaibigan niya na sumasamba sa kaniya.—Awit 37:10, 11.