Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hindi Nag-iisa

Hindi Nag-iisa

I-download:

  1. 1. Iniwang mag-isa,

    Dulot pagdurusa.

    Pag-asa ko’y naglaho;

    Lungkot ay nasa ’king puso.

    Walang dumaramay

    O umaalalay.

    Hanap kong kaaliwan,

    Sino kaya’ng maglalaan?

    (KORO)

    Hindi ako

    Nag-iisa.

    Kasama ko

    Si Jehova.

    Ang tulong niya

    Ilalaan.

    Panalangin

    Ay diringgin.

    Saanma’t kailanman,

    ’Di nag-iisa.

  2. 2. Mawala ma’ng lahat

    Dahil sa ’yo’y tapat.

    Masaktan man ang puso,

    Ako’y patitibayin mo.

    ’Di ka nang-iiwan

    At lagi kang nariyan.

    Sa ’yo’y nagtitiwala;

    Hindi mo pababayaan.

    (KORO)

    Hindi ako

    Nag-iisa.

    Kasama ko

    Si Jehova.

    Ang tulong niya

    Ilalaan.

    Panalangin

    Ay diringgin.

    Saanma’t kailanman,

    ’Di nag-iisa.

    Hindi ako

    Nag-iisa

    Kasama ka

    Ang tulong mo

    Ilalaan.

    Panalangin

    Ay diringgin.

    Saanma’t kailanman,

    ’Di nag-iisa.