Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maging Mapagpatuloy

Maging Mapagpatuloy

I-download:

  1. 1. Simpleng meryenda man o pagkain,

    O kasayahang may kuwentuhan.

    Ang lahat ng ito ay mula kay Jehova

    Nang sa gayon tayo’y—

    (KORO)

    Maging mapagpatuloy sa iba.

    Tularan ating Diyos.

    Walang pagtatanging ipadama,

    Pag-ibig na tunay.

  2. 2. Ang ating tahanan, laan ito ni Jehova.

    Kapag tumanggap ka, ito ba’y abala?

    Ang pagbibigay, dulot nito’y kagalakan!

    Kristiyano’y ganiyan.

    (KORO)

    Maging mapagpatuloy sa iba.

    Tularan ating Diyos.

    Walang pagtatanging ipadama,

    Pag-ibig na tunay.

    (BRIDGE)

    ’Pag mayro’ng nangailangan,

    Sila’y bahaginan.

    Sa panahon ng sakuna,

    Tutulong ka ba?

    Bubuksan ang tahanan para sa kaibigan?

    Sila’y kalingain.

    (KORO)

    Maging mapagpatuloy sa iba.

    Tularan ating Diyos.

    Walang pagtatanging ipadama,

    Pag-ibig na tunay.

    Pag-ibig na tunay.

    Pag-ibig na tunay.