Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hanapin

Hanapin

I-download:

  1. 1. Hinahanap, inaasam,

    Katotohana’y malaman.

    Mga katanungan at alinlangan,

    Hanap ay kasagutan.

    (PAUNANG KORO)

    Nagpatuloy lang sa paglalakbay,

    Nang katotohana’y masumpungan sa buhay.

    (KORO)

    Hanap ay kaalaman

    Nang maunawaan

    Katanungan sa ’ting puso:

    Sa’n tayo nagmula at kung bakit kailangan ang Kaharian.

    ’Yong hanapin lang.

  2. 2. Diyos na Maylalang, nakilala.

    Jehova ang kaniyang pangalan.

    Pagpapala na malaman,

    Ngayon siya’y nasumpungan.

    (PAUNANG KORO)

    Nagpatuloy lang sa paglalakbay,

    At ngayo’y nalaman kung sa’n patungo ang buhay.

    (KORO)

    Hanap ay kaalaman

    At naunawaan

    Katanungan sa ’ting puso:

    Sa’n tayo nagmula, at paraisong ilalaan ng Kaharian.

    ’Yong hanapin lang.

    (BRIDGE)

    Lagi nating sabihin sa sinumang tao,

    Katotohanang ito.

    Alinlangan, mga katanungan

    Ay mayro’ng kasagutan

    ’Pag sila ay natulungan.

    (KORO)

    Hanap ay kaalaman

    Nang maunawaan

    Katanungan sa ’ting puso:

    Sa’n tayo nagmula, at walang-hanggang buhay na kay lapit na.

    ’Yong hanapin lang.