Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagpapala sa Pag-aaral ng Bagong Wika

Pagpapala sa Pag-aaral ng Bagong Wika

I-download:

  1. 1. Sumagi sa ’yong isip,

    ‘Magboluntaryo?’

    At nananalangin,

    ‘Jehova, ’nong gagawin?’

    Kaya nga pag-aralan

    Ang ating mga hakbang.

    Dahil sa ’yong paglipat,

    Walang pagsisisihan!

    (KORO)

    Mag-aral ng bagong wika

    At ’wag kang mag-alala.

    Kapag ikaw ay natuto,

    Maraming pagpapala, oh.

    Tumawid tayo.

    Tumawid tayo tungo sa Macedonia!

  2. 2. Sa teritoryong mabunga,

    Maraming tumutugon.

    Ika’y mapapahanga

    Sa kanilang pagsulong.

    Ikaw nga’y mapapalapit

    Sa Diyos na Jehova.

    Siya sa ’yo’y aalalay

    Sa paghakbang tutulungan ka niya.

    (KORO)

    Mag-aral ng bagong wika

    At ’wag kang mag-alala.

    Kapag ikaw ay natuto,

    O, kayamanan ’to.

    Sakaling may alinlangan

    Kung sulit nga ba ’to, oh.

    (KORO)

    Mag-aral ng bagong wika

    At pagpapalain ka, oh.

    Tumawid tayo.

    Tumawid tayo.

    Halina’t tumawid tayo tungo sa Macedonia!