Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Magpakatatag Ka

Magpakatatag Ka

I-download:

  1. 1. Maaga pa’y

    Gising na siya.

    Handa sa gawain.

    At kay Jehova,

    Ang dalangin niya:

    “Nawa ay pagpalain.”

    At kahit nagigipit,

    Lahat kaniyang tinitiis.

    Siya’y tapat; laging iniisip

    Ang magandang awit.

    (KORO)

    Tutulungan ka;

    ’Wag mabahala.

    Narito ako

    At kasama mo.

    ’Wag kang manghihina;

    Magpakatatag ka.

    ‘Tutulungan kita.

    Patitibayin pa.’

    (BRIDGE)

    Laging nagsisikap

    Kahit mahirap.

    Ang lahat kinakaya.

    Kaibiga’y nariyan;

    Siya ay tutulungan.

    ’Di siya nababalisa.

  2. 2. Katulad siya

    Ng agila;

    ’Di siya manghihina.

    Ang buong kaya

    At buong puso niya,

    Kay Jehova iaasa.

    Kahit siya’y napapagod,

    Hindi siya nanghihimagod.

    Pinalalakas siya ng awit,

    Laging iniisip.

    (KORO)

    Tutulungan ka;

    ’Wag mabahala.

    Narito ako

    At kasama mo.

    ’Wag kang manghihina;

    Magpakatatag ka.

    ‘Tutulungan kita.

    Patitibayin pa.’

    ‘Tutulungan kita.

    Patitibayin pa.’