Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Maraming Salamat sa mga Nilalang ng Diyos!

Maraming Salamat sa mga Nilalang ng Diyos!

I-download:

  1. 1. Ang buong paligid ng kabundukan,

    May mga bulaklak at mga taniman.

    O kay sarap langhapin ang hangin!

    Ang kalangitan, nagniningning.

    (PAUNANG KORO)

    Lagi akong

    Napapahanga.

    Paano ako

    Magpapahalaga?

    (KORO)

    Maraming salamat,

    Sasabihin sa ’yo,

    O Jehova.

    Napakabuti mo!

    Ang ’yong gawa,

    Lagi kong bubulay-bulayin sa puso.

    Di-kalilimutan kailanman.

    Maraming salamat!

    Maraming salamat!

  2. 2. Kulay ng langit parang ipininta.

    Dulot ay kasiyahan sa ’king mga mata.

    Ang agos ng ilog, kay sarap pakinggan!

    Mga bituin ay kay gandang masdan!

    (PAUNANG KORO)

    Lagi akong

    Napapahanga.

    Kaya lagi akong

    Magpapahalaga.

    (KORO)

    Maraming salamat,

    Sasabihin sa ’yo,

    O Jehova.

    Napakabuti mo!

    Ang ’yong gawa,

    Lagi kong bubulay-bulayin sa puso.

    Di-kalilimutan kailanman.

    Maraming salamat!

    (BRIDGE)

    Hindi maikakaila

    Dakila ang ’yong gawa,

    Ang pag-ibig mo.

    At ito’y laging

    Pasasalamatan.

    (KORO)

    Maraming salamat,

    Sasabihin sa ’yo,

    O Jehova.

    Napakabuti mo!

    Ang ’yong gawa,

    Lagi kong bubulay-bulayin sa puso.

    Di-kalilimutan kailanman.

    Maraming salamat!

    Maraming salamat!

    Maraming salamat!