Manalig Ka
I-download:
1. Paglilingkod mo
At sakripisyo,
Ginagawa mo nang b’ong puso.
May pagsubok man, lagi mong tandaan,
Si Jehova ay ’yong kasama.
(PAUNANG KORO)
Kaya ’wag mong pag-aalinlanganan
Ang pag-ibig niya.
At ’wag kang mangangamba ’pagkat
Lagi siyang nariyan.
(KORO)
Manalig ka lang
Na tunay ang pag-ibig niya at laging maaasahan.
Manalig ka lang
Na ’di hadlang ang pagsubok, kahit ang kamatayan.
Sa pag-ibig niya,
’Wag mag-alinlangan.
2. Kahanga-hanga
Ang katapatan
Na ’yong ’pinakita kay Jehova.
At kahit maraming sumasalansang,
Laging mayro’ng masasandigan.
(PAUNANG KORO)
Kaya ’wag mong pag-aalinlanganan
Ang pag-ibig niya.
At ’wag kang mangangamba ’pagkat
Lagi siyang nariyan.
(KORO)
Manalig ka lang
Na tunay ang pag-ibig niya at laging maaasahan.
Manalig ka lang
Na ’di hadlang ang pagsubok, kahit ang kamatayan.
Sa pag-ibig niya,
’Wag mag-alinlangan.
Mahal ka niya.
(BRIDGE)
Kahit tayo’y pag-usigin at salansangin,
’Wag kang mag-alala.
Basta’t manindigan at sa Diyos ika’y laging tapat.
O, laging tapat.