Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ingatan ang Isip

Ingatan ang Isip

I-download:

  1. 1. Sa akin ay mahalaga

    Na lagi kang mapasaya.

    Minsan ay kalaban ko

    Ang maling damdamin ko.

    Kaya’t ang lagi kong hiling,

    Ang kapayapaan mo’y taglayin.

    Kahit ano’ng problema,

    Sa ’yo ako’y umaasa.

    (KORO)

    Jehova, ikaw ang naglalaan

    Ng patnubay na kailangan.

    Laging bigyan, kapayapaan,

    At nang isip ko ay maingatan.

  2. 2. Ayoko mang magpadala

    Sa puso kong mapandaya,

    Lagi kong nadarama,

    ’Di ako mahalaga.

    Hindi ako pahahadlang;

    Magpapatuloy sa katapatan.

    At kahit mayro’ng hamon,

    Ikaw ay laging tutulong.

    (KORO)

    Jehova, ikaw ang naglalaan

    Ng patnubay na kailangan.

    Laging bigyan, kapayapaan,

    At nang isip ko ay maingatan—

    Maingatan.

    (BRIDGE)

    Alinlangan sa isipan

    At puso, ’di papakinggan.

    Dahil sa ’yo at sa tulong mo,

    Lahat ng ito ay malalabanan ko—

    Malalabanan ko.

    (KORO)

    Jehova, ikaw ang naglalaan

    Ng patnubay na kailangan.

    Laging bigyan, kapayapaan,

    At nang isip ko ay maingatan.