Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Manumbalik Ka

Manumbalik Ka

I-download:

  1. 1. Bawat tao sa mundo

    Ay may kahinaan

    At kung minsan ay

    Nadadala’t natutukso.

    ’Wag mong iisipin

    Na wala nang pag-asa.

    Nariyan lang ang ’yong Ama.

    Lumapit ka’t lalapit siya sa ’yo.

    (KORO)

    Bangon na’t tumayo.

    Tutulungan ka niya.

    Huwag ka nang mangamba.

    Magtiwala ka lang.

    Bumalik sa kaniya

    At damhin ang yakap niya.

    Lagi mong tandaan,

    ’Di ka niya iiwanan.

    Manumbalik ka lang.

  2. 2. Ika’y nahihirapan

    Sa pinagdaraanan.

    Huwag ka nang magpaliban.

    Buksan ang ’yong puso.

    At sa Diyos na Jehova,

    Sabihin ang problema.

    At siya ang aalalay.

    Ang Salita niya ang iyong gabay.

    (KORO)

    Bangon na’t tumayo.

    Tutulungan ka niya.

    Huwag ka nang mangamba.

    Magtiwala ka lang.

    Bumalik sa kaniya

    At damhin ang yakap niya.

    Lagi mong tandaan,

    ’Di ka niya iiwanan.

    (BRIDGE)

    Huwag mong pag-alinlanganan

    Na ika’y mahal niyang tunay.

    Gawin ang ’yong makakaya’t

    Magsikap ka

    Na bumalik.

    (KORO)

    Bangon na’t tumayo.

    Tutulungan ka niya.

    Huwag ka nang mangamba.

    Magtiwala ka lang.

    Bumalik sa kaniya

    At damhin ang yakap niya.

    Lagi mong tandaan,

    ’Di ka niya iiwanan.

    Manumbalik ka lang.

    Manumbalik ka lang.