Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kasama Ko si Jehova

Kasama Ko si Jehova

I-download:

  1. 1. Jehova, dinggin mo ang aking hiling.

    Tulungan ako na ikaw ang sundin.

    Ang paglilingkod ko’y hinahadlangan;

    ’Di hahayaan kahit kailan.

    (KORO)

    O Diyos, ako’y laging magtitiwala sa ’yo dahil

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.

  2. 2. Kalooban mo ang gusto kong sundin.

    Handang ihayag ang ’yong layunin.

    Alam kong ako’y lagi mong tutulungan,

    Sabihin sa iba ang ’yong Kaharian.

    (KORO)

    O Diyos, ako’y laging magtitiwala sa ’yo dahil

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.

    (BRIDGE)

    Lagi kong pagniningasin ito,

    Ang ’yong Salita sa puso ko.

    Ang ngalan mo’y ihahayag ko.

    Isisigaw ko ang papuri sa ’yo.

    Kahit ang buhay, ibibigay ko.

    Lahat ng taglay, para sa ’yo.

    Maglilingkod nang buong kalul’wa.

    Mamahalin ka, O aking Ama.

  3. 3. Anuman ang pagdaraanan ko,

    ’Di lilimuting mahal mo ako.

    Alam kong ’di mo ’ko iiwanan

    At ikaw ay tunay na kaibigan.

    (KORO)

    O Diyos, ako’y laging magtitiwala sa ’yo dahil

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.

    ’Di mo ako kailanman pababayaan.