Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dalawang Maliliit na Barya

Dalawang Maliliit na Barya

I-download:

  • Music Sheet

  1. 1. Kahit na

    Mahirap ang buhay,

    Nais niyang

    Parangalan ang Diyos na Jehova.

    O kay liit

    Ng kaniyang dal’wang barya.

    Nakikita ng Diyos

    Ang pag-ibig na taglay niya.

    (KORO)

    ’Wag mong isipin

    Na kay liit lang

    Ng mga sakripisyo mo.

    Basta’t laging gawin

    Kung ano ang ’yong kaya

    Dahil ’yan ang mahalaga

    Sa ’ting Diyos.

  2. 2. Noong una,

    Kay rami ng taglay niya.

    At kay Jehova

    ’Binigay niya ang buong kaya niya.

    Ngayo’y kay liit

    Ng maibibigay niya.

    Ito’y buong puso—

    Kay Jehova’y nagpapasaya.

    (KORO)

    ’Wag mong isipin

    Na kay liit lang

    Ng mga sakripisyo mo.

    Basta’t laging gawin

    Kung ano ang ’yong kaya

    Dahil ’yan ang mahalaga

    Sa ’ting Diyos.

    (BRIDGE)

    Tinitingnan niya ang nasa puso.

    Nauunawaan niya ang lahat.

    ’Di ka niya iiwan.

    (KORO)

    ’Wag mong isipin

    Na kay liit lang

    Ng mga sakripisyo mo.

    Basta’t laging gawin

    Kung ano ang ’yong kaya

    Dahil ’yan ang mahalaga

    Sa ating Diyos.

    Pinahahalagahan ka.