Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Si Jehova ang Aking Kaaliwan”

“Si Jehova ang Aking Kaaliwan”

“Si Jehova ang Aking Kaaliwan”

ANG mga salita sa itaas ay salin ng opisyal na maharlikang sawikain ni Haring Charles IX ng Sweden. Ganito ito mababasa sa wikang Latin: “Iehovah solatium meum.” Ang haring ito ay isa sa angkan ng ilang henerasyon ng mga tagapamahala sa Sweden, mula 1560 hanggang 1697, na nagtampok sa pangalan ng Diyos sa mga titik na Hebreo o Latin sa mga barya, mga medalya, o sa personal na mga sawikain. Itinatag din ni Charles IX ang Maharlikang Orden ni Jehova. Sa araw ng kaniyang koronasyon noong 1607, isinuot ni Charles ang isang kuwintas na tinatawag na kuwintas ni Jehova.

Ano ang umakay sa mga haring ito na gawin iyon? Naniniwala ang mga iskolar na naimpluwensiyahan sila ng kilusan ng mga Calvinista sa Europa nang panahong iyon, pati na ng paggalang sa Bibliya. Palibhasa’y makapangyarihan at edukadong mga tao noong panahon ng Renaissance, maliwanag na pamilyar sila sa Latin na bersiyon ng personal na pangalan ng Diyos, Jehova. Walang-alinlangang natalos ng ilan na ang pangalang ito ay lumitaw nang libu-libong ulit sa orihinal na teksto sa Bibliyang Hebreo.

Maraming katibayan na ang pangalang Jehova ay lumilitaw sa mga barya at medalya gayundin sa pampublikong mga gusali at simbahan sa iba’t ibang bahagi ng Europa noong ika-16 at ika-17 siglo. Maliwanag na ang sinabi mismo ng Diyos, na sinipi sa Exodo 3:15 ay karaniwang tinatanggap at iginagalang: “Jehova . . . ang aking pangalan hanggang sa panahong walang takda.”

[Mga larawan sa pahina 31]

KUWINTAS AT INSIGNIYA NG MAHARLIKANG ORDEN NI JEHOVA, noong 1606, na yari sa ginto, enamel at batong kristal, at mga garnet

HARING ERIK XIV 1560-68

HARING CHARLES IX 1599-1611 (kapatid ni Erik XIV)

HARING GUSTAVUS II ADOLPH 1611-32 (anak ni Charles IX)

REYNA CHRISTINA 1644-54 (anak ni Gustavus II Adolph)

[Credit Lines]

Kuwintas: Livrustkammaren, Stockholm Sverige; mga barya: Kungl. Myntkabinettet, Sveriges Ekonomiska Museum