TAMPOK NA PAKSA | BAKIT PA KAILANGANG MABUHAY?
Dahil May Makatutulong
‘Ihagis ninyo sa [Diyos] ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’
Baka gustuhin mo nang mamatay dahil naiisip mong wala ka nang magagawa para mapabuti ang iyong sitwasyon. Pero may makatutulong sa iyo.
Panalangin. Ang pananalangin ay hindi lang basta pampagaan ng loob; hindi rin ito isang bagay na ginagawa lang kapag desperado na ang isa. Ito ay aktuwal na pakikipag-usap sa Diyos na Jehova, na nagmamalasakit sa iyo. Gusto ni Jehova na sabihin mo sa kaniya ang iyong mga ikinababahala. Sa katunayan, hinihimok tayo ng Bibliya: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo.”
Bakit hindi mo subukang makipag-usap ngayon sa Diyos? Gamitin mo ang pangalan niyang Jehova, at magsalita ka mula sa puso. (Awit 62:8) Gusto ni Jehova na makilala mo siya bilang isang kaibigan. (Isaias 55:6; Santiago 2:23) Ang pananalangin ay isang paraan ng pakikipag-usap na magagawa mo kahit kailan, kahit saan.
Sinasabi ng American Foundation for Suicide Prevention na “ayon sa mga pag-aaral, natuklasang karamihan sa mga nagpakamatay
Mga taong nagmamalasakit. Mahalaga sa iba ang buhay mo
Mga doktor. Ang pag-iisíp na magpakamatay ay kadalasan nang palatandaan ng mood disorder, gaya ng clinical depression. Wala kang dapat ikahiya kung mayroon kang emosyonal na karamdaman
TANDAAN: Karaniwan nang imposibleng makaahon mula sa malalim na hukay ng depresyon kung nag-iisa ka. Pero kung may tutulong sa iyo, magagawa mo iyon.
ANG PUWEDE MONG GAWIN NGAYON: Humanap ng isang mapagkakatiwalaang doktor na gumagamot ng mga mood disorder gaya ng depresyon.
^ par. 8 Kung hindi maalis-alis sa isip mo ang pagpapakamatay, alamin kung saan ka makahihingi ng tulong