Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Paunang Salita

Paunang Salita

Mahal na Mambabasa:

Nadarama mo bang malapít ka sa Diyos? Para sa marami, waring imposible iyan. Nangangamba ang ilan na napakalayo niya sa kanila; ang iba naman ay nakadaramang sila’y di-karapat-dapat. Gayunman, ang Bibliya ay maibiging humihimok sa atin: “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.” (Santiago 4:8) Tinitiyak pa nga niya sa kaniyang mga mananamba: “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa kanang kamay mo, ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Tutulungan kita.’”—Isaias 41:13.

Paano kaya natin maaabot ang gayong matalik na kaugnayan sa Diyos? Sa alinmang pakikipagkaibigan, ang buklod ay nakasalig sa pagkilala sa tao, sa paghanga at pagpapahalaga sa kaniyang namumukod-tanging mga katangian. Kaya ang mga katangian at pamamaraan ng Diyos, gaya ng isinisiwalat sa Bibliya, ay isang napakahalagang paksa na dapat pag-aralan. Ang pagbubulay-bulay sa paraan ng pagpapakita ni Jehova ng bawat isa sa kaniyang mga katangian, ang pagkakita kung paano ipinamalas ni Jesu-Kristo sa perpektong paraan ang mga ito, at ang pagkaunawa kung paanong tayo rin ay makapaglilinang ng mga ito ay lalong magpapalapít sa atin sa Diyos. Makikita nating si Jehova ang nararapat at perpektong Kataas-taasan sa buong uniberso. Bukod diyan, siya ang Ama na kailangan nating lahat. Palibhasa’y makapangyarihan, makatarungan, marunong, at maibigin, hindi niya kailanman pinababayaan ang kaniyang tapat na mga anak.

Sana’y matulungan ka ng aklat na ito na lalo pang mapalapít sa Diyos na Jehova, upang makapaglinang ng isang buklod sa kaniya na hindi masisira kailanman, nang sa gayon ay mabuhay ka upang purihin siya magpakailanman.

Mga Tagapaglathala