KABANATA 27
Sino ang Diyos Mo?
BAKIT kaya importante ang tanong na, Sino ang Diyos mo?
Pero hindi pumayag sina Pablo at Bernabe na sambahin sila ng mga tao. Tumakbo agad sila sa mga tao at nagsabi: “Bumaling kayo mula sa walang-kabuluhang mga bagay na ito tungo sa Diyos na buháy.” (Gawa 14:8-15) Sino ba ang “Diyos na buháy,” na lumalang sa lahat ng bagay?
Karamihan sa mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos sa halip na sa “tanging tunay na Diyos.” Kadalasan nang sumasamba sila sa mga bagay na yari sa kahoy, bato, o metal. (Exodo 32:4-7; Levitico 26:1; Isaias 44:14-17) Maging ang mga lalaki at babae na nagiging sikat ay tinatawag kung minsan na mga diyos, mga bituin, o mga idolo. Tama bang dakilain ang mga ito?
Pagkatapos na si Saul ay maging si apostol Pablo, sumulat siya: “Binulag ng diyos ng sistemang ito ng mga bagay ang mga pag-iisip ng mga di-sumasampalataya.” (2 Corinto 4:4) Sino ba ang diyos na ito?
Nang tuksuhin ni Satanas si Jesus na yumukod at sumamba sa kaniya, ano ang sinabi ni Jesus kay Satanas?
Ang mga kabataang Hebreong ito ay bahagi ng bansang Israel ng Diyos at dinalang bihag sa lupain ng Babilonya. Doon, isang hari na ang pangalan ay Nabucodonosor ang nagtayo ng isang napakalaking imaheng ginto. Isang araw, iniutos niya na kapag tinutugtog na ang musika, lahat ay dapat yumukod sa imahen. ‘Ang sinumang hindi yumukod
Karaniwan nang sumusunod sina Sadrac, Mesac, at Abednego sa lahat ng utos ng hari. Pero ito ang ayaw nilang sundin. Alam mo ba kung bakit?
Galít na galít ang hari, kaya ipinatawag niya agad ang tatlong kabataang Hebreo. Nagtanong siya: ‘Totoo nga bang hindi kayo naglilingkod sa aking mga diyos? Bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon. Ngayon, kapag narinig ninyo ang musika, sumubsob kayo at sumamba sa imahen na ginawa ko. Kung hindi, ihahagis kayo sa nagniningas na maapoy na hurno. At sinong diyos iyon na makapagliligtas sa inyo sa aking mga kamay?’
Ano kaya ang gagawin ng mga kabataang ito? Kung ikaw sila, ano ang gagawin mo?
Lalo nang nagalit ang hari. Nag-utos siya: ‘Painitin ang hurno nang pitong ulit pang higit kaysa sa dati!’ Pagkatapos ay inutusan niya ang kaniyang malalakas na tauhan na igapos sina Sadrac, Mesac, at Abednego at ihagis sila sa hurno! Napakainit ng hurno kung kaya namatay ang mga tauhan ng hari dahil sa apoy! Kumusta kaya ang tatlong Hebreo?
Sina Sadrac, Mesac, at Abednego ay bumagsak sa gitna mismo ng apoy. Pero tumayo sila! Hindi sila nasaktan. At hindi na sila nakagapos. Paano nangyari ito?
Pagkatapos ay sinabi ng hari: ‘Narito! Ako ay nakakakita ng apat na lalaking naglalakad doon sa loob, at walang sinuman sa kanila ang napipinsala ng apoy.’ Alam mo ba kung sino ang ikaapat na personang ito?
Buweno, nang makita ito, lumapit ang hari sa pinto ng hurno at sumigaw: “Sadrac, Mesac at Abednego, kayong
May matututuhan tayong aral mula sa nangyari noon. Maging sa ngayon, ang mga tao ay naglalagay ng mga imahen, o idolo, para sambahin. Ang The Encyclopedia Americana ay nagsasabi: “Ang watawat, gaya ng krus, ay sagrado.” Maaaring ang mga imahen ay yari sa kahoy, bato, metal, o tela. Ang mga sinaunang alagad ni Jesus noon ay tumangging gumawa ng isang gawang pagsamba sa emperador ng Roma, na ayon sa istoryador na si Daniel P. Mannix ay puwedeng ikumpara “sa pagtangging sumaludo sa watawat o bumigkas ng panatang makabayan.”
Sa palagay mo, may halaga kaya sa Diyos kung ang isang relihiyosong imahen man ay yari sa tela, kahoy, bato, o metal?
Ang mga naglilingkod kay Jehova ay hindi makasasamba sa sinumang tao o anumang bagay. Basahin ang sinasabi tungkol dito sa Josue 24: