KABANATA 36
Sino ang Bubuhaying Muli? Saan Sila Titira?
SA NAKARAANG dalawang kabanata, ilan ang nabasa nating binuhay muli?
Buweno, ipinakikita nito na mahal ng Diyos ang mga bata. Pero marami pa rin siyang ibang bubuhaying muli. Ang gumawa ng mabuti lamang ba ang bubuhaying muli ng Diyos?
Ang sabi ng Bibliya: “Magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Bakit yaong mga hindi matuwid, o mga hindi gumawa ng tama, ay bubuhaying muli?
Buweno, narinig na ni Marta ang tungkol sa pangako ni Jesus: ‘Ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay lalabas.’ (Juan 5:
Isipin na lamang kung gaano kasaya ang araw na iyon! Sa araw na iyon na sanlibong taon ang haba, milyun-milyong namatay ang bubuhaying muli. Ang tawag ni Jesus sa lugar na titirhan nila pagkatapos buhaying muli ay Paraiso. Tingnan natin kung nasaan ang Paraiso at kung ano ang magiging kalagayan doon.
Mga tatlong oras bago mamatay si Jesus sa pahirapang tulos, binanggit niya ang tungkol sa Paraiso sa katabing lalaking nasa tulos. Ang lalaki ay papatayin dahil sa ginawa nitong krimen. Pero habang pinagmamasdan ng kriminal na ito si Jesus at naririnig ang mga sinasabi tungkol sa Kaniya, naniwala siya kay Jesus. Kaya sinabi ng kriminal: “Alalahanin
Ano kaya ang ibig sabihin ni Jesus nang banggitin niya ito? Nasaan ba ang Paraiso?
Kaya kapag nababasa natin ang tungkol sa kriminal na iyon na pupunta sa Paraiso, dapat nating ilarawan sa ating isip ang lupang ito na pinaganda upang tirhan. Si Jesus ba ay makakasama ng dating kriminal dito mismo sa lupa sa Paraiso?
Kasi, si Jesus ay paroroon sa langit at mamamahala bilang Hari sa Paraiso sa lupa. Kaya si Jesus ay makakasama ng lalaking iyon sa diwa na bubuhayin siya ni Jesus mula sa mga patay at bibigyan ng kaniyang mga pangangailangan. Pero bakit kaya papayagan ni Jesus na tumira sa Paraiso ang isang dating kriminal?
Bago makipag-usap ang kriminal kay Jesus, alam na ba niya ang tungkol sa mga layunin ng Diyos?
Lahat ba ng bubuhaying muli ay titira sa Paraiso sa lupa?
Noong gabing bago mamatay si Jesus, sinabi niya sa kaniyang mga apostol: ‘Sa bahay ng aking Ama sa langit, maraming tirahan, at paroroon ako upang maghanda ng dako para sa inyo.’ Pagkatapos ay nangako si Jesus sa kanila: “Ako ay muling darating at tatanggapin ko kayo sa aking sarili, upang kung nasaan ako ay dumoon din kayo.”
Ilan ang makikibahagi sa “unang pagkabuhay-muli” at mamamahalang kasama ni Jesus bilang mga hari?
Ilan ang titira sa Paraiso sa lupa?
Isipin na lamang kung gaano kasarap mabuhay sa Paraiso! Ang buong lupa ay magiging gaya ng isang parke. Mapupuno ito ng mga ibon at mga hayop at magagandang punungkahoy at mga bulaklak na iba’t iba ang uri. Wala nang masasaktan dahil siya ay may sakit, ni mayroon pang mamamatay. Lahat ay magiging magkakaibigan. Kung gusto nating tumira sa Paraiso magpakailanman, ngayon na ang panahon para paghandaan ito.
Basahin pa ang tungkol sa layunin ng Diyos sa lupa, sa Kawikaan 2: