Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kaugnayan sa Di-kasekso

Kaugnayan sa Di-kasekso

SEKSIYON 1

Kaugnayan sa Di-kasekso

May nakita kang binata at dalaga na magkahawak-kamay habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan. Ano ang nadarama mo?

□ Wala lang

□ Medyo naiinggit

□ Inggit na inggit

Nanood ka ng sine kasama ng iyong mga kaibigan at napansin mong lahat sila ay may kapareha​—maliban sa iyo! Ano ang nadarama mo?

□ Ayos lang

□ Medyo naaasiwa

□ Inggit na inggit

Kamakailan lang, nagkagusto ang pinakamatalik mong kaibigan sa isang di-kasekso at nakikipag-date na siya ngayon. Ano ang nadarama mo?

□ Masaya

□ Medyo naiinggit

□ Naiinis

Kahit saan ka tumingin, may makikita kang magkasintahan​—sa paaralan, sa kalye, sa mall. Tuwing makikita mo sila, naiinggit ka at gusto mo na ring magkaroon ng kasintahan. Pero handa ka na bang makipag-date? Kung oo, paano ka makakahanap ng isa na magiging mabuting asawa? Kung makatagpo ka na, paano mo mapananatiling malinis ang inyong relasyon habang nagdi-date? Tutulungan ka ng Kabanata 1-5 na masagot ang mga tanong na iyan.

[Buong-pahinang larawan sa pahina 12, 13]