Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mabuting Halimbawa​—Jose

Mabuting Halimbawa​—Jose

Mabuting Halimbawa​—Jose

Nasa isang mahirap na situwasyon si Jose. Paulit-ulit siyang inaakit ng asawa ng kaniyang amo na sumiping sa kaniya. At ngayon, hayan na naman ang asawa ng kaniyang amo! Pero hindi natukso si Jose. Sa katunayan, buo ang kaniyang pasiya. “Paano ko magagawa ang malaking kasamaang ito at magkasala nga laban sa Diyos?” ang sabi niya sa babae. Nang magpumilit ang babae at sunggaban siya, hindi nahiyang tumakas si Jose. Sa katunayan, tumakbo siya palabas ng bahay! Ipinakita ni Jose na isa siyang lalaking may matibay na paninindigan sa moral.​Genesis 39:7-12.

Baka may umakit din sa iyo na makipag-sex. Hindi sapat ang pagpipigil sa sarili para makatanggi ka. Ang dapat na mag-udyok sa iyo na tumanggi ay ang kagustuhan mong mapagalak ang iyong Maylalang, ang Diyos na Jehova. Alam mo, si Jose ay gaya mo ring may seksuwal na pagnanasa. Pero ni hindi man lamang sumagi sa isip niya na magpadala sa mga pagnanasang iyon na ikagagalit ng kaniyang Maylalang. Sa katulad na paraan, kailangang maging kumbinsido ka na ang karumihan sa moral ay hindi nakalulugod sa Diyos at humahantong lamang sa matinding hinagpis. Kaya gaya ni Jose, sikapin mong magkaroon ng matibay na paninindigan sa moral at panatilihin ito.