Awit 117
Dapat Tayong Maturuan
1. Halina’t matuto tungkol kay Jehova.
Tubig ng buhay ating inumin.
Turong kay-inam, Diyos ang naglaan.
Ang nagugutom ay bubusugin.
2. Huwag pabayaan ang ating pagtitipon,
Dito’y matuturuan nang wasto.
’Spiritu ng Diyos, sa kapatiran,
Kalakasan ating matatamo.
3. Labing pumupuri ay nagpapatibay!
Dilang sanay, kaytamis pakinggan!
Nawa ay lagi tayong magtipon.
Nawa ay laging magpatibayan.
(Tingnan din ang Heb. 10:24, 25; Apoc. 22:17.)