Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 8

Ang Hapunan ng Panginoon

Ang Hapunan ng Panginoon

(Mateo 26:26-30)

1. Jehova, Amang nasa langit,

Ito ay gabing binanal!

Ikalabing-apat, buwan noon ng Nisan,

Pag-ibig mo ay natanghal.

Kordero ng Paskuwa’y kinain,

Ang Israel pinalaya.

Nang maglaon, buhay ni Kristo’y ’nihandog,

Bilang katuparan ng hula.

2. Sa harap mo kami’y nagtipon,

Bilang tupa ng ’yong kawan,

Upang purihin ka sa iyong pag-ibig,

At ngalan mo’y parangalan.

Memoryal ay laging bulayin

Sa ating puso’t isipan.

Araw-araw lumakad sa d’an ni Jesus,

Nang mabuhay magpakailanman.

(Tingnan din ang Luc. 22:14-20; 1 Cor. 11:23-26.)