Awit 103
“Sa Bahay-bahay”
1. Sa bawat bahay at pinto,
Mabuting balita,
Laging ipinangangaral
Ng matanda’t bata.
Ang tupa’y pinakakain
Saanman sa lupa.
’Pagkat Kaharian ng Diyos
Ay namamahala.
2. Sa bawat bahay at pinto,
Ating ipangaral.
Kaligtasa’y sa tatawag
Sa ngalan niyang banal.
Paano nga ang pagtawag
Sa hindi kilala?
Sa bahay-bahay itanyag,
Ngalan ni Jehova.
3. Kaya’t sa bawat pintuan,
Kaharia’y ’balita.
Kung tanggapin man o hindi,
Tao’y magpapasiya.
Basta’t ating ihahayag
Ngalan ni Jehova.
Paglapit natin sa pinto,
Naro’n kanyang tupa.
(Tingnan din ang Gawa 2:21; Roma 10:14.)