Awit 101
Ipinahahayag ang Katotohanan ng Kaharian
1. Noong una’y ’di pa alam
Landas na dapat lakaran;
Ngunit Diyos ay naghayag
Ng turo niyang maliwanag.
Kalooban ni Jehova,
Atin ngayong nakikita,
Ihayag Kaharian niya
At pabanalin ang pangalan niya.
Nangangaral kaninuman,
Sa pintua’t sa lansangan.
Nagtuturo nang may tiyaga,
Nang ang tao ay lumaya.
Habang tayo’y nagsisikap
Na pagsamba’y lumaganap,
Tayo ay magkaisa
Hanggang sa gawai’y matapos na.
(Tingnan din ang Jos. 9:9; Isa. 24:15; Juan 8:12, 32.)