Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 9

Purihin si Jehova na Ating Diyos!

Purihin si Jehova na Ating Diyos!

(Awit 145:12)

1. Purihin si Jehovang Diyos!

Ang pangalan niya’y itanyag!

Humiyaw! ’Pagkat araw niya

Ay malapit na, magbabala!

Itinalaga ng Diyos na ngayo’y

Maghahari Panganay niya.

Ibalita sa madla na ang Diyos

May dulot na pagpapala!

(KORO)

Purihin si Jehovang Diyos!

Kadakilaan niya’y ihayag!

2. Purihin si Jehovang Diyos!

Ibunyi natin ngalan niya!

Umawit Nang mataginting,

Ihayag kal’walhatian niya.

Bagama’t dakila siyang Maylalang,

Mapagpakumbaba rin siya.

Maibigin, mabait, may awa

Dalangin ay diringgin niya.

(KORO)

Purihin si Jehovang Diyos!

Kadakilaan niya’y ihayag!

(Tingnan din ang Awit 89:27; 105:1; Jer. 33:11.)