Awit 106
Ang Pakikipagkaibigan kay Jehova
(Awit 15)
1. Sinong kaibigan mo,
O Diyos na Jehova?
Sinong pagtitiwalaan mo?
Siya na kilala ka?
Siyang yumayakap ng
Salita mong banal,
Siyang matapat, makatarungan,
Katwiran ay mahal.
2. Sinong kaibigan mo,
O Diyos na Jehova?
Sinong lalapit sa trono mo?
Siya na ’yong kilala?
Siya na nagtatanghal
Lagi ng ngalan mo.
Siya na may matapat na puso,
Salita’y totoo.
3. Aming ’dinudulog,
Hinaing ng puso.
Nadarama ang ’yong pag-ibig,
At ang kalinga mo.
Mithi namin O Diyos,
Maging kaibigan ka.
Wala nang hihigit sa iyo,
Wala kang kapara.
(Tingnan din ang Awit 139:1; 1 Ped. 5:6, 7.)