Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 63

Manatiling Matapat

Manatiling Matapat

(Awit 18:25)

1. Matapat kay Jehovang Diyos,

Pag-ibig ipadama.

Bilang bayang nakaalay,

Alamin ang utos niya.

Payo niya ay makatwiran,

Sundin ang kanyang gabay.

Siya’y tapat, maaasahan.

Sa kanya’y ’di wawalay.

2. Matapat at tumulong sa

Nagdurusang kapatid.

May kalinga at tiwala,

Mabait sa kapatid.

Ang dangal ay ipakita,

Igalang silang tunay.

Buklurin tayo ng Bibliya;

Huwag tayong hihiwalay.

3. Matapat sa pagpatnubay

Ng mga nangunguna.

Ibigay ang puso’t isip

Sa ating pagtalima.

Pagpapala ni Jehova,

Ito ay sasaatin,

Kung tayo ay matapat nga,

Pagsang-ayo’y kakamtin.