Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 77

Maging Mapagpatawad

Maging Mapagpatawad

(Awit 86:5)

1. Dahil sa pag-ibig

Si Jehova’y naglaan

Upang mapatawad tayo

Sa ating kasalanan.

Kung may pagsisising tunay,

Tayo’y mapatatawad.

Salig sa handog ni Kristo,

Tawad ay igagawad.

2. Awa’y matatanggap

Kung ang Diyos tutularan.

Patawarin natin kapwa,

Ibigin kapatiran.

Lahat ating pagtiisan,

Tampuhan ay iwasan.

Pag-ibig mo’y ipakita,

Kapatid parangalan.

3. Linangin ang awa,

Isa ’tong kagalingan,

Pagdaramdam ay iwasan

At pagkakapootan.

Kung sa dakilang pag-ibig,

Si Jehova’y tularan.

Magiging tulad Niya tayo,

Handang magpatawaran.

(Tingnan din ang Mat. 6:12; Efe. 4:32; Col. 3:13.)