Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 1

Ang mga Katangian ni Jehova

Ang mga Katangian ni Jehova

(Apocalipsis 4:11)

1. Jehovang Diyos, may kalakasan,

Buhay at kaliwanaga’y laan.

Sangnilalang mo ay naghahayag.

Sa ’yong Araw matatanyag.

2. Luklukan mo ay katarungan.

Nahahayag ang iyong katwiran.

’Pag sa Salita mo ay bumaling,

Dunong mo’y lalong maningning.

3. Pag-ibig mo’y lalong dakila.

Kaloob mo ay walang kapara.

Ang pangalan mo at katangian,

Parangalan, papurihan.

(Tingnan din ang Awit 36:9; 145:6-13; Sant. 1:17.)