Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 7

Kristiyanong Pag-aalay

Kristiyanong Pag-aalay

(Hebreo 10:7, 9)

1. Yamang likha ni Jehova

Buong uniberso,

Sa kanya ang lupa’t langit,

Gawa nga niya ito.

Ang kaloob niya na buhay

Isang katunayan

Na siya’y nararapat sambahin,

At laging parangalan.

2. Si Jesus nagpabautismo,

Katwira’y nilubos.

Nanalanging tutuparin,

Kalooban ng Diyos.

Nang sa Jordan siya’y umahon

Bilang pinahiran,

Sa Diyos siya ay itinalaga,

Tapat maglilingkuran.

3. Narito kami Jehova,

Handa na ang buhay,

Aming sarili’y ’tinakwil,

Sa iyo inialay.

Tanging Anak mo’y ’sinugo,

Nagbayad ng buhay.

Sa ’min ang may-ari ay ikaw,

Mabuhay ma’t mamatay.