Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 16

Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos!

Tumakas Tungo sa Kaharian ng Diyos!

(Zefanias 2:3)

1. O maaamo, si Jah ay hanapin;

Hanapi’y katwira’t kaamuan.

Baka sakaling d’on sa Armagedon

Kayo ay kanyang ingatan.

(KORO)

Tumakas sa Kaharian ng Diyos;

’Yan ang ating panigan.

Naroo’y kanlungan at pagpapala;

Utos niya ay gampanan.

2. Halikayong uhaw sa katarungan;

Bakit patuloy na malulumbay?

Mang-aapi ay atin nang takasan,

At kay Kristo ka paakay.

(KORO)

Tumakas sa Kaharian ng Diyos;

’Yan ang ating panigan.

Naroo’y kanlungan at pagpapala;

Utos niya ay gampanan.

3. Itaas ang ulo sa kagalakan;

Naririto na ang Kaharian!

Tanggapin sa Diyos ang kaliwanagan,

Siya lamang ang katakutan!

(KORO)

Tumakas sa Kaharian ng Diyos;

’Yan ang ating panigan.

Naroo’y kanlungan at pagpapala;

Utos niya ay gampanan.