Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 18

Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos

Ang Matapat na Pag-ibig ng Diyos

(Isaias 55:1-3)

1. Ang Diyos ay pag-ibig.

Sa atin ay umaantig.

Dahil sa kanyang pagsinta,

Pantubos inilaan niya,

Upang matamo katwiran,

At buhay na walang hanggan.

(KORO)

O kayong nauuhaw,

Mayro’ng tubig ng buhay.

Halina’t inyong tikman,

Pag-ibig niyang tunay.

2. Ang Diyos ay pag-ibig.

Tayo ay may pananalig.

Pag-ibig ay itinampok,

Nang si Kristo’y iniluklok.

Tinupad ang kanyang tipan,

Narito na ang Kaharian.

(KORO)

O kayong nauuhaw,

Mayro’ng tubig ng buhay.

Halina’t inyong tikman,

Pag-ibig niyang tunay.

3. Ang Diyos ay pag-ibig.

Sa kanya tayo’y pumanig.

Ang maaamo’y tulungang

Katwiran ay masumpungan.

Sa lahat ng makikinig,

Kaaliwa’y ipabatid.

(KORO)

O kayong nauuhaw,

Mayro’ng tubig ng buhay.

Halina’t inyong tikman,

Pag-ibig niyang tunay.

(Tingnan din ang Awit 33:5; 57:10; Efe. 1:7.)