Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 19

Paraisong Pangako ng Diyos

Paraisong Pangako ng Diyos

(Lucas 23:43)

1. Paraisong Diyos ang naglaan,

Sa Milenyo ng Kaharian,

Wala na r’on ang kasalanan,

Hapdi, luha’t kamatayan.

(KORO)

Buong lupa’y paraiso.

Sa ’ting puso natatanto.

Tutupdin ni Jesu-Kristo,

Masunurin siyang totoo.

2. Sa lupa, Diyos ay mayro’ng layon,

Mga patay ay babangon.

Ang pangako ni Jesu-Kristo,

‘Tayo na sa Paraiso.’

(KORO)

Buong lupa’y paraiso.

Sa ’ting puso natatanto.

Tutupdin ni Jesu-Kristo,

Masunurin siyang totoo.

3. Ang nangako ng Paraiso

Ngayo’y Hari na ng mundo.

Salamat sa Diyos na Jehova,

Mag-awitan, purihin siya.

(KORO)

Buong lupa’y paraiso.

Sa ’ting puso natatanto.

Tutupdin ni Jesu-Kristo,

Masunurin siyang totoo.

(Tingnan din ang Mat. 5:5; 6:10; Juan 5:28, 29.)