Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 21

Maligaya ang mga Maawain!

Maligaya ang mga Maawain!

(Mateo 5:7)

1. Maawai’y maligaya!

Sa Diyos sila ay maganda.

At kanilang sasabihin

Sa matwid: ‘Diyos, may awa rin.’

Kay Jesus, Diyos ay naglaan,

Ukol sa ’ting katubusan.

Maamo’y kinahabagan,

Batid niyang alabok lamang.

2. Maawai’y binasbasan;

Pinawi ang kasalanan.

Nakikinabang sa awa,

Na sa Diyos ay nagmumula.

Kaawaa’y itatanghal

Sa gawaing pangangaral.

Lahat pinagsasabihan:

“Narito na ang Kaharian.”

3. Maawai’y huwag mangamba

’Pag naghukom si Jehova.

Yamang sila’y maawain,

Habag ay makakamtan din.

Tayo’y maging maawain,

Palagi nating linangin.

Sa bawat pagkakataon,

Tularan ang Panginoon.