Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 23

Si Jehova, ang Ating Lakas

Si Jehova, ang Ating Lakas

(Isaias 12:2)

1. O Diyos na Jehovang aming lakas.

Ikaw ang aming Tagapagligtas.

Kami’y mga Saksing nagbabansag,

Pakinggan o hindi paghahayag.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog,

Ngalan mo’y aming ’binabantog.

O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.

2. Nagagalak kami sa liwanag;

Katotohanan ngayo’y suminag.

Sinisiyasat ang Kasulatan;

Panig kami sa ’yong Kaharian.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog,

Ngalan mo’y aming ’binabantog.

O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.

3. Aming ginagawa ang nais mo,

Kahit na manlibak pa ang Diyablo.

Buhay ma’y paslangin, tulungan mo,

Ika’y maging aming Soberano.

(KORO)

Jehova, ikaw ang aming moog,

Ngalan mo’y aming ’binabantog.

O Jehovang Makapangyarihan,

Ikaw ang kanlungan at Bantayan.