Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 24

Tumitig sa Gantimpala!

Tumitig sa Gantimpala!

(2 Corinto 4:18)

1. ’Pag ang bulag nakakita,

Bingi’y nakaririnig na,

’Pag namulaklak ang ilang,

Tubig aagos sa parang.

’Pag lumukso na ang pilay,

Wala na ring mamamatay,

Gayong buhay makikita,

Tumitig sa gantimpala.

2. ’Pag ang pipi’y nagsalita,

At matanda’y naging bata,

’Pag ang lupa’y namumunga,

Kabutiha’y sasagana.

Awitan ng mga bata,

Payapa ang buong lupa,

At ang patay babangon nga,

Tumitig sa gantimpala.

3. ’Pag ang lobo’t mga tupa,

Oso’t guya’y sama-sama,

Ang aakay, isang bata,

Sa tawag niya’y tatalima.

’Pag ang luha ay napawi,

Wala na ring kirot, hapdi,

Laan ito ng Maylikha,

Tumitig sa gantimpala.

(Tingnan din ang Isa. 11:6-9; 35:5-7; Juan 11:24.)