Awit 55
Walang-Hanggang Buhay—Sa Wakas!
1. Inyo bang nakikita,
Tao ay sama-sama?
Lungkot wala. Payapa!
Walang kirot, luha.
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
Nang may kagalakan!
Bumulalas, “Sa wakas,
Walang-hanggang buhay!”
2. Babata ang matanda,
Ang lama’y sasariwa.
Bagabag man, naparam.
Pagtangis, pangamba.
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
Nang may kagalakan!
Bumulalas, “Sa wakas,
Walang-hanggang buhay!”
3. Lahat sa paraiso,
Papuri’y aawitin.
Lagi nating sabihin
Sa Diyos, “Salamat po!”
(KORO)
Tayo’y mag-awitan
Nang may kagalakan!
Bumulalas, “Sa wakas,
Walang-hanggang buhay!”
(Tingnan din ang Job 33:25; Awit 72:7; Apoc. 21:4.)