Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 26

O Lumakad na Kasama ng Diyos!

O Lumakad na Kasama ng Diyos!

(Mikas 6:8)

1. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa kahinhinan.

Maging tapat kasama niya;

Siya’y ’yong kalakasan.

Kumapit sa salita niya,

’Di ka masisinsay;

Katulad ng munting bata,

Sa Diyos ka paakay.

2. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa kalinisan.

Huwag magbalik; sumulong ka,

Upang sang-ayunan.

At kung alin ang dalisay

At kaibig-ibig,

Isipin mo’t nang tumibay,

Sa Diyos ka manalig.

3. O lumakad na kasama

Ng Diyos sa katapatan.

Kasiyaha’t pagpapala,

Inyong makakamtan.

Sa Diyos makialinsabay,

Siya ay papurihan.

Ang kagalakan na tunay,

Dulot ng Kaharian.