Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 2

Salamat, Jehova

Salamat, Jehova

(1 Tesalonica 5:18)

1. Salamat, Jehova, sa araw-araw,

Sa ami’y sumikat ang ’yong tanglaw.

Salamat sa kaloob na dalangin,

Naidudulog bawat hinaing.

2. Salamat, Jehova, sa ’yong pag-ibig,

Anak mo, sanlibuta’y dinaig.

Salamat sa tulong upang maganap,

Panata namin nang buong sikap.

3. Salamat, Jehova, sa karangalan

Na ipangaral ang ’yong pangalan.

Salamat at pagdurusa’y lilipas,

Kaharian mo’y ’di magwawakas.