Awit 30
Namamahala Na si Jehova
1. Dakilang araw ni Jah. Siya ay nagpupuno na.
’Tinatag sa Sion Batong Panulok.
Lahat ay mag-awitan. Awit ng kagalakan.
Si Kristong Tagapagligtas ay ’niluklok.
(KORO)
Anong laan, O Kaharian?
Tagumpay nga ng katwiran.
At ano pa, O Kaharian?
Buhay at kaligayahan.
Purihin ang Diyos sa kanyang
Pag-ibig, katapatan.
2. Kristo’y hari na ngayon; At do’n sa Armagedon,
Lumang sistema ay lilipas na.
Mangaral tayo ngayon. Marami pang tutugon;
Panahon na upang pumanig sa Kanya.
(KORO)
Anong laan, O Kaharian?
Tagumpay nga ng katwiran.
At ano pa, O Kaharian?
Buhay at kaligayahan.
Purihin ang Diyos sa kanyang
Pag-ibig, katapatan.
3. Hari nati’y maringal. Atin siyang minamahal.
Sa ngalan ng Diyos dumarating siya.
Sa templo ay dumulog; Dalangin ay ihandog.
Malapit nang mamahala si Jehova.
(KORO)
Anong laan, O Kaharian?
Tagumpay nga ng katwiran.
At ano pa, O Kaharian?
Buhay at kaligayahan.
Purihin ang Diyos sa kanyang
Pag-ibig, katapatan.
(Tingnan din ang 2 Sam. 7:22; Dan. 2:44; Apoc. 7:15.)