Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 31

Tayo’y mga Saksi ni Jehova!

Tayo’y mga Saksi ni Jehova!

(Isaias 43:10-12)

1. Diyos nila’y kahoy, bato,

’Di tunay na diyos ito.

Ang Kata’s-taasan,

Siya ang totoo.

’Di nila mahulaan

Ating kinabukasan.

Mga saksi nila’y bulaan,

Sila’y walang katibayan.

(KORO)

O Saksi ni Jehova,

Laging magmagiting ka.

Ang Diyos natin ay hindi huwad;

Hula niya’y natutupad.

2. Ngalan ng Diyos itanghal

Sa ating pangangaral.

May taglay na tapang,

’Di nangangatal.

Upang malaman nila

Nang sila’y mapalaya.

’Pag sumulong, sasama sila

Sa pagpuri kay Jehova.

(KORO)

O Saksi ni Jehova,

Laging magmagiting ka.

Ang Diyos natin ay hindi huwad;

Hula niya’y natutupad.

3. Ating Diyos natatanghal

Kung tayo’y nangangaral.

Binababalaan

Mga ’di banal.

Tao’y kahahabagan

’Pag Diyos ang binalingan.

Kung pangangaral ay pakinggan,

May buhay na walang hanggan.

(KORO)

O Saksi ni Jehova,

Laging magmagiting ka.

Ang Diyos natin ay hindi huwad;

Hula niya’y natutupad.

(Tingnan din ang Isa. 37:19; 55:11; Ezek. 3:19.)