Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 35

Pasasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos

Pasasalamat sa Pagkamatiisin ng Diyos

(2 Pedro 3:15)

1. Diyos na Jehova dakila ka,

Katwiran mo ay sagana.

Naghahari ang balakyot,

Kirot sa puso mo’y dulot.

Dumarating na ang ’yong araw,

Wakas sa masama’y ipataw.

Kami sa iyo’y may tiwala,

Salamat at matiisin ka.

2. Libong taon sa pangmalas mo,

’Sang araw lang lilipas ’to.

Dakilang araw nariyan na;

Hindi ’to maaantala.

’Di mo ibig ang kasalanan,

’Pag nagsisi’y kapatawaran.

Tanaw namin ang pag-asa,

Taglay ang pagpapahalaga.

(Tingnan din ang Luc. 15:7; 2 Ped. 3:8, 9.)