Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 38

Ihagis ang Iyong Pasanin kay Jehova

Ihagis ang Iyong Pasanin kay Jehova

(Awit 55)

1. Dalangin ko’y pakinggan mo,

Huwag akong pagtaguan.

Bigyan mo ng kasagutan

Nang hindi maguluhan.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin;

Tayo ay kanyang tutulungan.

’Di niya tayo ’babayaan

’Pagkat siya ang kanlungan.

2. Kung pakpak taglay ko lamang,

Sa malayo’y lilipad,

Ligtas sa mga balakyot,

Proteksiyon mo ang hangad.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin;

Tayo ay kanyang tutulungan.

’Di niya tayo ’babayaan

’Pagkat siya ang kanlungan.

3. Si Jehova’y tatawagan,

Ngalan niya ay tanggulan.

Dulot niya’y kapayapaan,

Kahit may pagsalansang.

(KORO)

Kay Jehova ang pasanin;

Tayo ay kanyang tutulungan.

’Di niya tayo ’babayaan

’Pagkat siya ang kanlungan.

(Tingnan din ang Awit 22:5; 31:1-24.)