Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 43

Manatiling Gising, Matatag, at Malakas

Manatiling Gising, Matatag, at Malakas

(1 Corinto 16:13)

1. Gising na, magpakatibay,

Maging handang magbata.

Magpakalalaking tunay,

Tagumpay malapit na.

Kay Jesus tayo ay makinig,

At sa kanya lamang pumanig.

(KORO)

Gising na, at magpakatibay!

Huwag na huwag manlupaypay!

2. Gising na, handa ang isip,

Laging tumatalima

Sa patnubay nga ni Kristo

Pati ng katiwala.

Sundin payo ng matatanda

Na sa tupa’y kumakalinga.

(KORO)

Gising na, at magpakatibay!

Huwag na huwag manlupaypay!

3. Gising na, magsama-sama,

Magtanggol sa gawain.

Humadlang man ang kaaway,

Tayo’y mangaral pa rin.

Ilakas sigaw sa b’ong lupa,

Hanggang sa araw ni Jehova!

(KORO)

Gising na, at magpakatibay!

Huwag na huwag manlupaypay!