Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 5

Si Kristong Huwaran Natin

Si Kristong Huwaran Natin

(Roma 5:8)

1. Ang pag-ibig ng Diyos,

Dakila at lubos,

Nang ang Anak niya’y ibigay sa atin.

Si Kristo’y tinapay,

Sa tao’y ’binigay,

Upang ang buhay makamtan natin.

2. ’Tinuro ni Jesus,

Panalangin sa Diyos:

‘O ang pangalan mo’y pakabanalin.

Kaharian mo nawa,

Magpuno sa lupa.

Araw-araw ay bigyang pagkain.’

3. Ang katotohanang

’Tinuro ni Jesus

Nagdulot kaaliwan sa tupa niya.

Mangaral palagi,

Ihasik ang binhi,

Upang umani ng pagpapala.