Awit 111
Tatawag Siya
1. Tulad singaw, ngayo’y nandirito,
At bukas ay wala na.
Lahat ay kaydaling naglalaho,
Dulot lumbay at luha.
Kung mamamatay, mabubuhay ba?
Dinggin pangako ng Diyos:
(KORO)
Tatawag, Diyos na Jehova.
Ang patay babangon nga.
’Pagkat nasasabik siya
Sa kanyang mga gawa.
Manampalataya tayo,
Tatayo mga patay.
Nais niyang kamtin natin
Ang walang-hanggang buhay.
2. Mahal ng Diyos, pumanaw man sila,
Hindi niya lilimutin.
Lahat ng nasa alaala niya,
Sila ay gigisingin.
At makikita, tunay na buhay:
Buhay sa Paraiso.
(KORO)
Tatawag, Diyos na Jehova.
Ang patay babangon nga.
’Pagkat nasasabik siya
Sa kanyang mga gawa.
Manampalataya tayo,
Tatayo mga patay.
Nais niyang kamtin natin
Ang walang-hanggang buhay.
(Tingnan din ang Juan 6:40; 11:11, 43; Sant. 4:14.)