Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 83

Kailangan Nating Magpigil sa Sarili

Kailangan Nating Magpigil sa Sarili

(Roma 7:14-25)

1. Mahal natin ang Diyos na Jehova,

Kaya nga pigilin ang magkasala.

Kung ang laman dulot ay lumbay,

Espiritu dulot ay buhay.

2. Sa araw-araw nariyan ang tukso,

Mag-ingat baka mailihis tayo.

Katotohanan, tulong sa ’tin,

Upang tayo ay palakasin.

3. Sa ’ting pagkilos pati salita,

Ngalan ni Jehova baka madusta.

Nawa’y maging tunguhin lagi:

Dapat magpigil sa sarili.