Awit 71
Banal na Espiritu—Kaloob ng Diyos
1. Maawain ka Diyos na Jehova,
Mas dakila ka sa ’ming puso.
Paghihirap nami’y pagaanin,
Aliwin kami ng ’spiritu mo.
2. Ama, kaming lahat nagkukulang;
Minsan kami ay naliligaw.
Dalangin namin: Bigyang-patnubay
Ng ’spiritu mo sa araw-araw.
3. Kung kami ay pagod at mahina,
’Spiritu mo’y umaalalay.
Tulad sa agila’y sasalimbay
’Pag ’spiritu sa ami’y ibigay.
(Tingnan din ang Awit 51:11; Juan 14:26; Gawa 9:31.)