Awit 91
Aking Ama, Diyos, at Kaibigan
1. Kayhirap nga ng buhay,
Dulot hinagpis at pagluha.
Sasabihin ko pa rin,
“Ako’y may halaga.”
(KORO)
’Pagkat kaybuti ng Diyos,
Naaalala pag-ibig ko.
Hindi siya nang-iiwan;
Si Jehova’y kapiling ko.
Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.
Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
2. Ako’y hindi na bata;
Paghihirap ay narito na.
Ngunit natitiyak ko,
Ako’y may pag-asa.
(KORO)
’Pagkat kaybuti ng Diyos,
Naaalala pag-ibig ko.
Hindi siya nang-iiwan;
Si Jehova’y kapiling ko.
Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.
Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
(Tingnan din ang Awit 71:17, 18.)