Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Awit 36

“Ang Pinagtuwang ng Diyos”

“Ang Pinagtuwang ng Diyos”

(Mateo 19:5, 6)

1. Dangal, kagalakan,

Ikid na tatluhan.

Saksi ang Diyos at tao,

Sa mga sumpaan.

Ang nobyo ay nanata,

Asawa’y mahalin.

(KORO)

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay

Huwag paghiwalayin.”

2. Ang Salita ng Diyos,

Gabay na susundin,

Dalangi’y pagpapala;

Pangako’y gagawin.

Ang nobya ay nanata,

Asawa’y mahalin.

(KORO)

“Ang pinagtuwang ng Diyos ay

Huwag paghiwalayin.”